top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bea, biglang iniwan, kaya negang-nega na sa madlang pipol… GERALD, PAASA AT BABAERO LANG NOON, NGAYO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2019
  • 1 min read

TOO late na ang pagpapaliwanag ni Gerald Anderson na madalas ang pag-aaway nila ni Bea Alonzo, na nagresulta sa pagkakaputol ng kanilang relasyon after their one big fight.

Wala na silang naging komunikasyon at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay. In short, walang naging closure kaya lumabas na basta na lang iniwan sa ere ni Gerald si Bea.

Kahit sa text o sulat man lang ay hindi nagawang magparamdam ni Gerald sa dating nobya. Hindi ‘yun gawain ng isang maginoong lalaki. Mas katanggap-tanggap pa sana kay Bea kung diniretso na ni Gerald na ayaw na niya at hindi na niya mahal ang aktres. Pero, bigla na nga lang naglaho at hindi na nagpa­ramdam si Gerald. Hang­gang sa lumu­tang na nga ang relasyong Julia Bar­retto-Gerald Anderson.

Pilit pang isinasalba at dinepensahan ni Gerald si Julia at sinabing hindi ang young actress ang third party sa relasyon nila ni Bea. Problemado na raw ang kanilang pag-iibigan bago pa siya naging close kay Julia.

Well, kahit na ano pang paliwanag o gawin ni Gerald ngayon, negang-nega pa rin ang imahe niya sa publiko. Na­kikisimpatya kay Bea ang karamihan sa mga kababaihan. May record na si Gerald na paasa at nang-iiwan ng mga babaeng nagmahal sa kanya, tulad ng ginawa niya kina Kim Chiu, Maja Salvador, atbp..

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page