Pintor timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Aug 6, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang pintor ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. San Francisco, San Antonio.
Ang suspek ay kinilalang si Caesar Ganias, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Ganias na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments