top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MATIBAY NA PULSO NG RED LIONS AT CSB BLAZERS, MASUSUBUKAN

A. Servinio
Aug 6, 2019
1 min read

NABITIN man noong nakaraang linggo, susubukang bumangon ng mga koponan sa pagpapatuloy ng umaatikabong aksyon sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre. Itataya ng defending champion San Beda University at ng bumabangis na College of Saint Benilde ang pareho nilang malinis na kartadang 4-0 kontra sa magkahiwalay na laro.

Matatandaang handa na ang Red Lions at Blazers na magtapatan noong Biyernes subalit, biglang nagpasya ang pamunuan ng NCAA na ipagpaliban ito dahil sa matinding ulan at pagbaha sa Kalakhang Maynila. Bubuksan ng CSB ang araw ng pagharap sa rumaragasang Colegio De San Juan De Letran na may limang sunud-sunod na panalo alas-12:00 p.m. at susundan agad ng San Beda at walang panalong Mapua University alas-2:00 p.m.

Aasahan muli ng Blazers ni Coach Tyrone Tang ang husay na laro nina Jimboy Pasturan, Clement Leutcheu at Yankie Haruna upang maibsan ang pansamantalang pagkawala ni Justin Gutang dahil sa pilay. Itatapat ng Knights ni Coach Bonnie Tan sina Jerrick Balanza, Edson Batiller, Larry Muyang, Jeo Ambohot at Renato Ular na malaki ang naiambag sa limang panalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page