Madlang pipol, nakahalata, 'di na sila tinilian… JULIA, BUKING SA KILOS NA NAPIPILITAN NA LANG K

Beth Gelena / BULGARY FILES

TOUCHED kami sa mga larawang ipinost ng ABS-CBN bossing na si Roxy Liquigan tungkol kay Joshua Garcia at sa magdyowang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Caption ni Roxy sa mga larawang ibinahagi: “In fairness talaga kay Kath and DJP, nang makita nila si Joshua na kumakain nang mag-isa dito sa after party, talagang lumipat sila ng table at tinabihan si Joshua. :)”
Pagkatapos na magtanghal ng grupo sa San Jose, California para sa ASAP Natin ‘To: Bay Area ay kumain sila.
Nag-iisa raw sa isang table si Joshua at kumakain nang malingunan ni Daniel. Agad na nilapitan ng magkasintahan ang young actor.
Ang gesture nina Kath at DJ ay umani ng paghanga sa mga netizens.
Si Joshua ay nakasama ng magkasintahan sa pelikulang Barcelona: A Love Untold nu’ng 2016.
Pinasalamatan ng mga fans ni Joshua ang celebrity couple.
“Thank you Kath & DJ. God bless! Bait n’yo talaga kay @iamjoshuagarcia.”
May halong pangaral pa ang isang netizen, “Wag ka nang lalayo.. @iamjoshuagarcia. Nasa tamang mga kaibigan ka na. @bernardokath @imdanielpadilla”
“KATH & DJ have never changed in spite of their status and accomplishments. They remain HUMBLE...”
Ang ginawa raw nina Kath at DJ ay ginawa rin nila kay Janella Salvador nu’ng may problema rin ang young actress sa kanyang karelasyon.
“Parang nu’ng kay Janella rin. Napakabait talaga nila. Puwede naman silang dalawa lang, pero isinasabay talaga nila ‘pag nakikita nilang mag-isa lang ang tao.”
“I’m really touched for what Kath and DJ did to Josh but it really saddens me the fact that Josh is alone. ‘Yung artista siya pero sa sobrang introvert niya, konti lang ‘yung friends na masasabi niyang meron siya sa showbiz industry. And alam naman natin na one of his closest is Julia.”
Samantala, nu’ng nagpe-perform na raw ang JoshLia sa stage, kitang-kita na sweet-sweet-an na lang kunwari ang dalawa.
Parang napipilitan nga lang daw ang young actress sa kanyang movement.
Cold treatment nga raw ang ibinigay ng audience sa JoshLia sa Bay Area, as in walang reaksiyon ang audience sa song number nila.
“Sigawan at palakpakan sa lahat except for them. Damay na damay si Joshua sa nega issue ni Julia. Baka kaya dinamayan ng KathNiel si Joshua sa after party,” sambit ng netizen.





Comments