Lolo nalunod sa irigasyon
Pabs Hernandez III
Aug 6, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang lolo ang namatay nang mahulog at malunod kamakalawa sa irigasyon ng Bgy. Cumao, Gattaran.
Ang biktima ay kinilalang si Virgilio Cabildo, 69-anyos at residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Cabildo ay nawalan ito ng balanse kaya nahulog sa irigasyon.
Kaagad namang sumaklolo ang mga residente, pero bangkay nang maiahon sa irigasyon ang biktima.





Comments