top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iyong kagandahan Ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2019
1 min read

Bibig, nagwiwika ng kasinungalingan.

Salamin ng kanilang puso’t isipan.

Mga matang nagtatago ng maitim na balak.

Hindi makapupuksa ng pusong hamak.

Sila’y sinusunog ng kanilang kaduwagan.

Bawat tao’y nakatatagpo ng kalaban.

Sa buhay ay hindi ka lalabang mag-isa.

Ika’y hahamaking hindi nag-iisa.

Ang mundo ay nagtataglay ng kapangitan, ngunit, pinu­-punan ng iyong kagandahan.

Liwanag ng lampara, paglipas ng bawat gabi,

ito ang salitang hindi nabibigkas ng mga labi.

Sa paglubog ng araw, umaga ang naghihintay.

Sa paglisan, mata’y pinipilit magpakatibay.

Luha’y pinipigilang pumatak, salita’y hindi alam.

Damdami’y sinusunog, panahong hiram.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page