Habang buntis sa second baby nila… IBINULGAR NI ALJUR: KYLIE, DEPRESSED, MADALAS ATAKIHIN
- BULGAR

- Aug 6, 2019
- 1 min read

LALAKI na naman ang second baby nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica at ipinaalam nila ito sa ginanap na gender reveal party.
Akala pa naman ni Aljur ay babae na ang magiging kapatid ni Alas na ngayon ay two years old na.Ibang-iba kasi ang mga dinanas ni Kylie noong ipinaglilihi niya ang kanyang second child. Base sa kuwento ni Aljur, nagdaan sa prenatal depression at madalas ang anxiety attacks ni Kylie. At lagi ay gusto nitong kasama si Aljur at iba pang mga mahal sa buhay.
Mabuti na lang at very supportive si Aljur at naintindihan ang pinagdaraanan ng kanyang lady love. Maraming ups and downs at madalas daw na nagiging emotional si Kylie ngayong buntis sa kanyang second baby.





Comments