top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Friends daw sila, pero… JOSHUA, KINUMPIRMANG MATAGAL NA SILANG DI NAG-UUSAP NI JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

DINEPENSAHAN ni Julia Barretto ang sarili matapos kumalat ang mga litrato ng ex-BF niyang si Joshua Garcia na mag-isang kumakain sa after party ng ASAP Natin ‘To na ginanap sa Bay Area, San Francisco, California, USA.

Nagsimula ito sa sunud-sunod na tweets ng Star Cinema boss na si Roxy Liquigan na diumano’y mag-isa lang ang young actor na kumakain at sinaluhan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ani Roxy sa una niyang tweet, “In fairness talaga kina Kath and DJP, nang makita ni­la si Joshua na kumakain nang mag-isa dito sa after party, talagang lumipat sila ng table at tinabihan si Joshua. :)

Sa sunud-sunod na tweets ng Star Magic boss, ipinakita rin niya ang litrato na mag-isa lang si Joshua sa table hang­gang sa sinamahan na ito ng celebrity couple, kasama ang iba pang mga ka-table.

Ang siste, hindi mapigi­lan ng madlang pipol na sisi­hin si Julia Barretto kung bakit mag-isang kumakain ang binatang aktor.

May ilan kasing nagsa­sabi na umiiwas daw si Julia kay Joshua para wala nang gulo, pero naba-bash pa rin ito.

Tweet ng isang netizen, “I don’t understand kung ano ang gusto ng mga tao. Umiiwas na nga si Julia para wala nang gulo, ayun, na-bash na naman kasi iniwan daw si Josh. Kawawa raw mag-isa sa table. Paki-explain po kung ano ang gusto ninyong mangyari. #ASAPNatinTo­BayArea @starmagicphils @StarCinema”

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Julia na magsalita at ipaliwanag na hindi niya iniiwasan ang ex-BF.

Aniya, “I did not leave Jo­shua alone. He opted & requested to be alone. He asked to eat & mingle alone. Why are all these fingers pointed at me YET AGAIN? Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa ‘to? Wala kumakawawa sa kanya.”

Dagdag pa niya, “Mas­yado[ng] nag-e-enjoy [ang mga] tao [na] gawing kawawa si Joshua sa lahat ng bagay kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story. Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night. Wala sila lahat alam. Wait lang kayo.”

Noong August 1, hiwalay na dumating sina Joshua at Julia sa Ninoy Aquino Inter­national Airport bago sila lumipad patungong San Fran­cisco. Dito nakapanayan si Joshua ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe at sinabi ng aktor na matagal na silang walang komunikasyon ni Julia matapos ang napabalitang hiwalayan nila, kung saan bumalik diumano sila sa pagiging mag-best friend.

Sa ngayon, nali-link ang young actress sa aktor na si Gerald Anderson. Napabalita rin na umamin na ang aktor sa ama ng aktres na si Dennis Padilla na nililigawan na niya si Julia.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page