top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin sa birthday... BABAENG NALUGI SA NEGOSYO, YAYAMAN ‘PAG NAG-ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

May negosyo kaming may kinalaman sa hala­man. Kaya lang, halos hin­di na ito kumikita o kasya lang ang benta sa pang-araw-araw naming panga­ngailangan.

‘Yung iba naming pu­hu­nan ay inutang lang at masyadong malaki ang interest kaya roon napu­punta ang aming benta. Balak naming mag-asawa na iwanan na sa kapatid ko ang puwesto ko at mag-apply bilang immigrant sa Canada.

May mga kakilala kami roon na family friend na tutulong sa amin. May pag-asa kaya kaming makapag-abroad?

August 19, 1983 ang birthday ko habang ang mister ko naman ay June 23, 1980.

Umaasa,

Miles ng Tikay, Malolos City, Bulacan

Dear Miles,

Tama ang binabalak mong mag-apply sa abroad, ayon sa napakaganda mong lagda kung saan bukod sa sobrang linaw, malaki ang pagkaka­sulat at tuluy-tuloy.

Tiyak na anuman ang pa­ngarapin mo sa buhay ay matutupad, lalo na kung si­silipin mo ang kaliwa at ka­nan mong palad at mata­tagpuan mo ang Travel Line na pang-araw-araw nating tinatalakay sa ating kolum na Kapalaran Ayon sa Palad.

Ibig sabihin, tila blessing in disguise ang pagtumal ng inyong negosyo o ang kaka­pusan ninyo sa panganga­ilangang pangmateryal sa kasalukuyan dahil ito ang magiging daan upang mag­sikap kayong buong mag-anak na maka­pag-abroad at makapanira­han sa ibayong-dagat na ma­dali namang ki­numpirma ng birth date mong 19 o 1 (1+9= 10/ 1+0=1) at 23 o 5 (2+3 =5) naman si mister.

Kung saan ituloy ninyo ang inyong binabalak sapag­kat ayon sa inyong Travel Ca­lendar, kung ngayon pa lang ay puspusan na kayong mag-aayos ng inyong mga papeles upang mangibang-bansa, tiyak ang magaganap sa last quarter ng 2020, ma­kapupunta na kayo sa Ca­nada at tuluy-tuloy na kayong ma­ninirahan doon kung saan uunlad at habambuhay na kayong magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page