top of page

'Withdrawal Method', 'di epektib para sa mga ayaw mabuntis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Bagong kasal pa lang kami ng mister ko, pero wala pa sa plano namin ang magka-baby kaya tina-try namin ang withdrawal method. Ang sabi ng family friend namin, hindi raw ito effective dahil nabuntis siya sa ganitong paraan. Totoo ba ‘yun? — Myra

Sagot Totoong mayroong tsansa na mabuntis ang babae kahit gumagamit ng withdrawal method ang lalaki.

Ang withdrawal method ay hindi reliable kung hindi pa handang magbuntis, pero mas maiging may ginagawang proteksiyon para hindi mabuntis kaysa sa wala.

Isa itong option para sa mga couple na walang problema kung mabuntis ang babae.

Sa withdrawal method, hinuhugot ng lalaki ang ari nito mula sa ari ng babae bago pa ito mag-ejaculate kaya mas kakaunting sperm lang ang nakakapasok.

Subali’t, hindi ito ganu’n kadaling gawin para sa lalaki. Kailangan ng lalaki ng matinding pagkokontrol para sa tamang timing.

Hindi effective ang method na ito kung hindi alam ng lalaki kung malapit na siyang mag-orgasm o kung hindi niya kayang magpigil o tiyempuhan ang tamang timing.

Tandaan na huwag umasa sa withdrawal method sa mga araw na nag-o-ovulate ang babae kung saan malaki ang tsansang mabuntis ito.

Kapag nag-ejaculate ang partner, siguraduhing hindi ito malapit sa vagina dahil posibleng may makapasok pa ring sperm sa loob ng ari ng babae.

Gayunman, kung magagawa ng tama ang withdrawal method, maiiwasan ang pagbubuntis.

Sa huli, makabubuti pa ring magpunta at magtanong sa pinakamalapit na health center tungkol sa iba pang uri ng birth control o family planning method.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page