top of page

Para sa mga nagpaplano ng magka-baby diyan... 5 ADVANTAGES NG PAGIGING MAGULANG

  • Toyang
  • Aug 5, 2019
  • 1 min read

TOTOO na ang mga bata ay maituturing na stress reliever, lalo na kapag tumatawa sila o masaya sila. Ang cute, ‘di ba? Kaya para sa mga ready ng maging mommy at daddy diyan, narito ang ilang advantages ng pagiging magulang:

1. RESPONSABLE. Ang pagkakaroon ng anak ay mabigat na responsibilidad, kaya kung magiging magulang kayo, sa bagay na ito ay mas magiging responsable kayo kung saan makatutulong ito sa inyong pagkatao.

2. SAKRIPISYO. Kung noon, eh, puro sarili ang inuuna mo, this time, matututo ka ng magsakripisyo, ‘yung tipong imbes na ikaw ang kumain, eh, ibibigay mo na lang sa mga anak mo dahil ‘ika nga, “love is sacrifice”.

3. PAGMAMAHAL. Kapag alam mong mahal ka ng mga anak mo, mas tumitibay ang pagmamahal mo, hindi lang para sa kanila kundi maging sa mga kaibigan, kapamilya at kakilala mo. Ibig sabihin, ‘yung epekto ng pagmamahal nila sa iyo ay nadadala mo sa ibang tao o bagay.

4. KASIYAHAN. Ang pagiging masaya ay nakapagpapahaba ng buhay, kaya dahil sa kasiyahang naidudulot ng mga anak, mas magiging healthy ka, gayundin, iwas-stress pa.

5. INSPIRASYON. Kung pipiliin mong magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya, hindi lang kaagapay ang magkakaroon ka kundi inspirasyon din na mabuhay at gumawa ng maganda, araw-araw.

Oh, ayan, kaya kahit alam nating mahirap maging magulang, marami pa rin ang maibibigay nito kahit sa maliliit na pamamaraan. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page