top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ipinagpasa-Diyos na lang daw, Jolo… JODI, IBINULGAR ANG GINAWANG PANLOLOKO SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2019
  • 1 min read

SA finale presscon ng Sino ang May­sala?: Mea Culpa ay naikuwento ni Jodi Santamaria na naloko pala siya sa ne­gosyo ng kanyang kasosyo.

“May nakilala ako, pinagkatiwala­an ko siya, tapos nag-invest ako ru’n sa negosyo niya. But then, alam mo ‘yung hindi niya ibinigay kung ano ‘yung dapat na sa akin?” lahad ni Jodi.

“And then later on, nu’ng kinakausap ko na siya — siyempre, kailangan ko nga kunin ‘yung akin — siya pa ‘yung galit. Siya pa ‘yung nagbanta,” patuloy niya.

Ipinagpasa-Diyos na lang daw niya ito pero naging moral lesson ang insidenteng ito sa kanya.

“After nu’n, siyempre, lesson learned na ‘yun sa akin. Pero wala rin naman akong ginawa. Ang ginawa ko na lang, sinur­render ko na lang siya. Ini-release ko na lang siya kay Lord. Siya na ‘yung bahala,” aniya.

Last 5 nights na lang ang SAM kaya abangan kung ano ang magiging pagta­tapos nito at kung ano ang mangyayari sa karakter ng mga bidang sina Jodi, Bela Padilla, Kit Thompson, Ketchup Eusebio, Ivana Alawi, Tony Labrusca at Sandino Martin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page