INANG BAYAN Ni: Ronalyn Seminiano Reonico


Bughaw, pula, puti, araw at
tatlong tala.
Bayan ng perlas at sampaguita,
mga ginoong tila kalabaw sa kakisigan, mga binibining
puno ng kayumihan.
Bayang Pilipinas,
bayan ng pag-ibig.
Daloy sa batis, tila gintong
tubig.
Awitin ng mga maya sa
puno ng narra, himig na
sintamis ng mangga.
Bayang inialay lahat ng
kagandahan.
Inihandog sariling
kapuriha’t kayamanan.
Magigiting na bayani’y
nagbuwis ng buhay.
Sa kalayaa’y dugo’t pawis,
ibinigay.
Sa kamay ng dayuhan,
nakipagpatayan.
Tabak, armas, bala, lahat ay
nilabanan.
Tumindig para sa bayan sa
gitna ng pang-aalipin,
kahit buhay pa ang maging kabayaran.
Ngunit, tila tayo’y nakalimot.
Sa kamay ng dayuhan,
bakit baya’y iniaabot?
Mga isla ng baya’y, sa mga
pikit ipinanghihimok
bilang kabayaran sa mga
salaping alok.
Pagdurusa’y dinanas sa
kamay ng mga terorista,
milyong donasyon, saan na
napunta?
Hindi ba’t sa kamay ng
mga nakaupong tila pirata?
Habang mga biktima’y
nananatiling maralita.
Bakit dugong Pilipino’y
naging mamamatay?
Kalahi, sa kamay ng
kahirapa’y pinapatay!
Tunay ngang sariling dugo
ang sa ati’y papatay,
sa mga buwaya, sa kanilang
mga kamay.
Ito ba ang bayang Pilipinas?
Noo’y lupain ng ginto’t
bulaklak, ngayo’y lupa ng
mga dayuhang humahalakhak habang ang
mga Pinoy ay umiiyak!
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments