Tricycle nabangga ng trak, 1 patay
- Pabs Hernandez III
- Aug 4, 2019
- 1 min read
CAMARINES SUR—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang ipinapasada nitong tricycle kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Goa.
Nakilala ang biktima na si Junior Caballero, residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya nabangga nito ang tricycle na minamaneho ni Caballero.
Dinala pa ng mga saksi si Caballero sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nakatakda nang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng trak.





Comments