top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Agosto 04, 2019 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Aug 4, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 4, 2019 (Linggo): Wala kang dapat ipag-alala dahil mis­mong kapalaran mo ang gagawa ng paraan para umangat ka sa mas mata­tas na kalagayan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka da­pat makun­ten­to. Hindi para sa iyo ang madalas na si­nasabi ng tao na ma­kun­tento tayo sa buhay. Ku­milos ka hanggang sa yu­maman ka nang todo-todo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na mag­­bubu­nga ang mga pagsisi­kap mo sa na­kara­an pero, hindi ka da­pat huminto sa pagsisikap, sa halip, gawin mong ins­pi­­ras­yon ang mga bunga ng iyong paghihirap. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-20-28-33-35-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Ikaw ang nag­­babawas sa mga suwerte mo dahil madalas ay tina­talo ka ng saya kaya ma­rami ang nasa iyo na, pero nagagamit mo pa sa pag­hahanap ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-16-25-35-42.

CANCER (June 21- July 22) - Dahil ma­hiyain ka, la­ngit mismo ang magdirikit sa mga puwede mong pakinabangan, sila na may mga sinasabi at may kaya. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-29-30-35-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­husgahan ka ng langit. Ang masayang ba­lita ay nagsasabing, ang hatol sa iyo ay nasa mga sa­litang tama ka at ang mga naninira sa iyo ay mali. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-24-25-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdagan ang kulang at bawasan ang sobra. Kulang ka sa lakas ng loob at sobra ka sa pag-aalinlangan. Ngayong alam mo na ang kalagayan mo, dapat maisaayos mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-21-28-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibigo at malulungkot ka. Ang taong may pagtingin sa iyo ay iiwasan mo. Dahil ang to­too, ikaw ang kanyang ins­pi­rasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-23-27-38-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ma­saya ang nabu­buhay nang mag-isa. Huwag nang ipilit pa ang iyong paniniwala. Kaya mo lang nasasabi na masaya ka ay dahil tahi­mik ang buhay mo ngayon. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-14-24-26-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang kapalaran. Ang prebilehiyong ito ay ibi­ni­­bi­gay ng langit sa mga tu­lad mong may am­bis­yon sa buhay. Huwag mo itong sayangin. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-27-31-32-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Tumi­ngin ka sa mga angat na at pa­paangat pa lang ang bu­hay. May makukuha kang kakaibang paraan para umangat din ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-26-29-30-33-43-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong saya­ngin ang hawak mo na. Minsan, ang pagpapa­saya ay magandang ipag­­pa­li­ban at unahin ang pag­pa­parami ng hawak mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-14-18-21-24-30-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo. Wala kang ginagawang anu­man, pero kung mayroon man, ito ay kapos para buwena­sin ka, pero, tiyak na susu­wertehin ka pa rin. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-23-36-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page