Nagpakatotoo lang… JODI, UMAMING 'DI KOMPORTABLENG KASAMA SI BELA
- BULGAR
- Aug 4, 2019
- 2 min read

FINALE week (Aug. 5 to 10) na ng teleseryeng Sino Ang Maysala: Mea Culpa na pinagbibidahan nina Jodi Santamaria, Bela Padilla, Sandino Martin, Kit Thompson, Ivana Alawi at Tony Labrusca.
Kaya’t nu’ng magkaroon ng set visit sa buong cast sa The Flocks Church, West Avenue, hindi napigilan ni Jodi ang malungkot. Aniya’y nakakaramdam siya ng “separation anxiety” dahil maninibago muli ang nakasanayan niyang sistema sa araw-araw.
Every time na iisipin niyang magkakahiwalay na sila after ng serye, nalulungkot siya.
During the presscon proper, kapansin-pansing ilang beses in-address ni Bela si Jodi na “Mama.”
“Ako, wala namang problema. Ano namin ‘yun, eh, parang term of endearment namin,” nakangiti nitong paliwanag.
“Si Ketchup [Eusebio], ang tawag ko rin sa kanya, Tito Ketch. Tita Bel naman kay Bela.
“Minsan, sa akin naman, Tita Jodi, Mama Jods. Okey lang kung meron kang tita o mama, ‘di ba?
“It comes with ano na, eh... parang ‘yung iba, ang tawag sa akin, Miss Jodi, pero habang tumatagal, alam mo ‘yung nagbabago.”
Hindi inaasahan ni Jodi na magkakalapit sila nang husto ni Bela bilang magkaibigan.
“At first kasi, naiilang din ako kay Bela,” pag-amin niya.
“Kasi, hindi ko naman siya nakatrabaho before and this is the first time na naka-work ko siya.
“Pero alam mong she’s very warm, she’s very welcoming, she’s very generous sa kanyang ideas, thoughts, sa kanyang care.”
Ilan sa mga qualities ni Jodi na binanggit ni Bela ay ang pagiging maalaga nito sa kanila, at nagpapatawa bago kunan ang mabibigat nilang eksena.
Usapan daw ng grupo na mag-a-unwind after Sino ang May Sala?: Mea Culpa.
Singit ni Bela, “Ako kasi, every time na natatapos ang isang trabaho, gusto kong mag-unwind. Usapan na namin na magbi-beach kami, sa La Union,” ani Bela.
Ang serye ay idinirehe nina Andoy Ranay, Dan Villegas at Jerry Lopez-Sineneng.
Comments