Most wanted criminal nasakote
- Pabs Hernandez III
- Aug 4, 2019
- 1 min read
ZAMBALES—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Subic.
Ang suspek ay nakilalang si Paulo Luces, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Luces sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Republic Act 9165 at direct assault.
Nabatid na kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin ito sa nasabing lugar.





Comments