Ayon sa birthday at zodiac sign... KABIT NA MAKATATAGPO PA NG BINATA PARA MAKASAMA, FOREVER
- BULGAR

- Aug 4, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
May ka-live-in ako sa kasalukuyan, isa siyang mestisong Chinese. Ang problema, bukod sa akin ay may tunay siyang asawa at pamilya sa Mindoro.
Kaya kahit sustentado niya ako sa lahat ng aking pangangailangan, minsan ay sumasagi rin sa isipan ko na paano kung dumating ang araw na bigla niya akong iwanan?
May isa kaming anak na isinilang noong September 17, 2016. Kaya, Maestro, sa tingin ninyo, habambuhay na kayang ganito ang buhay ko o kung sakaling makikipaghiwalay ako sa kanya, makatatagpo pa kaya ako ng binatang lalaki na ituturing na parang tunay niyang anak ang anak ko at mamahalin kaya niya ako, habambuhay?
December 13, 1992 ang birthday ko at February 9, 1970 naman ang lalaking ka-live-in ko.
Umaasa,
Ms. X ng Milagrosa, Carmona, Cavite
Dear Ms. X,
Posibleng hindi na nga magtatagal ang relasyon ninyo ng kasalukuyang live-in partner mo dahil bukod sa illegal at immoral ang nasabing ugnayan, tunay ngang hindi kayo masyadong tugma sa isa’t isa.
Ang tunay na ka-compatible ng zodiac sign mong Sagittarius ay Leo, Aries, Gemini o kaya ay kapwa mo Sagittarius.
Habang ang birth date mong 13 o 4 (1+3=4) sa destiny number na 1 (12+13+ 1992=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1), ang nagsasabing kung nagbabalak kang hiwalayan ang iyong ka-live-in, dapat ay nag-iipon ka na ngayon ng personal mong pera, para sa preparasyon sa pakikipaghiwalay mo sa kanya.
Kung saan ang destiny number mong 1 ay nagsasabing, kung mayaman ang ka-live-in mo tulad ng naipaliwanag na, huwag mong aksayahin ang pagkakataon kung saan unti-unti kang mag-ipon dahil tulad ng ka-live-in mo, ang destiny number mong 1 ay nagbabadya ng marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay dahil ang numerong 1 ay under ng buntalang Sun at ang buntalang Sun, bukod sa Jupiter ay isa sa pinakamasuwerteng planeta.
Sa sandaling nakawala ka na sa lalaking may asawa at legal na pamilya, magsisimula nang dumating ang iba’t iba at mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay.
Muli, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, isaalang-alang mo ang mga lalaking isinilang sa zodiac signs na Leo, Aries, at Gemini na may mga birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29 sapagkat sa piling ng mga lalaking nabanggit, basta binata at walang pananagutan, ikaw at ang iyong kaisa-isang anak ay nakatakdang lumigaya, habambuhay.
Ayon sa iyong Love Calendar, darating ang nasabing lalaki ngayong 2019 hanggang sa 2020, sa edad mong 27 pataas at sa sandaling nakilala mo na siya, mabilis ang magaganap, magkakahulugan kayo ng loob, makabubuo ng mainit at matimyas na relasyon na hahantong sa pagpapakasal at pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments