Katoma kinatay
- Levi Gonzales
- Aug 4, 2019
- 1 min read

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang nakainuman sa Sitio Bugnaw, Bgy. Paiisa, Tiaong, Quezon.
Pasado alas-8:00 ng gabi, nag-iinuman ang biktimang si Benjie Vistal at suspek na si Joey Bico. Makalipas ang ilang oras nang magtalo ang dalawa na nauwi sa suntukan. Naawat naman ang gulo at umuwi ang biktima subalit, sinundan pala ito ng suspek at patraydor itong pinagsasaksak.
Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy na ang pagtugis sa suspek.




Comments