Wanted na rapist, timbog
- Pabs Hernandez III
- Aug 3, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Gabaldon sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Larry Arimbuyutan, residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Arimbuyutan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing bayan.





Comments