top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot dedo, 3 sugatan sa pamamaril

Pabs Hernandez III
Aug 3, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang lalaki ang namatay at sugatan naman ang tatlong kaibigan nito nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Salunayan, Midsayap.

Kinilala ang nasawi na si Ronald Mallari, samantalang, ang mga sugatan ay sina Marius Hernane, Michael John Gumayao at Mike Casildo, pawang residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nag-iinuman ang mga biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad silang pinagbabaril sa naturang lugar.

Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Mallari.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page