top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ex-ka-love team, ginagamit daw para sa movie niya… RESBAK NI MAINE: ALDEN, 'DI KO KAILANGAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

HINDI nape-pressure si Maine Mendoza na gawing box office hit ang Isa Pa With Feelings, ang pelikulang pagsasamahan nila ng Kapa­milya actor na si Carlo Aquino.

Sa interview sa Phenomenal Star ng Siyete noong Thursday (August 1), sinabi niyang ang main goal niya ay mapaganda ang movie nila ni Carlo.

“‘Yung sa amin po ni Carlo? Honestly, wala. Kasi hindi naman po ako ang producer. So, parang ang concern ko lang tala­ga is sana, makagawa kami ng magandang pelikula,” ani Maine.

“Parang ‘yung quality pa rin [ng movie] ‘yung nagma-matter sa akin. Parang hindi ko naman ini-expect na magba-blockbuster ‘yung movie namin or anything, pero gusto ko lang talaga na maka-deliver kami ni Carlo and magustuhan ng tao ‘yung ma­gagawa namin,” dagdag pa niya.

Ikinuwento rin ni Maine na nagsisimula na sila ni Carlo na um-attend ng mga work­shops at mas kinikilala na nila ang isa’t isa.

Aniya, “Excited din po ako na maka­trabaho siya. Nagkakasama na po kami sa mga workshops ngayon at mas nakikilala na namin ‘yung isa’t isa, at nakakatuwa kasi mukhang magkakasundo kami. Feeling ko, mukhang hindi kami magkakaroon ng hard time making this film.”

Nakiusap si Maine na suportahan ng kanyang mga fans ang pelikulang gagawin nila ni Carlo, pero sa ngayon daw ay suportahan muna sana ng mga ito ang Alden Richards-Kathryn Ber­nardo movie na Hello, Love, Goodbye.

Samantala, mainit na pinag-usapan sa Twitter ang naging pahayag ni Maine na hindi pa rin buwag ang tambalan nila ni Alden, ang AlDub.

Marami kasing mga fans na tila galit sa sinabi ni Maine dahil hindi pa raw nila nakakalimutan ang open letter ng TV host nang aminin niyang hanggang reel lang ang tambalan nila ni Alden, idagdag pa ang pag-amin niya sa relasyon nila ni Arjo Atayde.

Ayon pa sa ibang fans, ginagamit lang ni Maine ang AlDub dahil may pelikula siya ngayong paparating.

Pero paliwanag ni Maine, “LOL at the reaction of some peeps. Ito para mas mali­naw, hindi ako ang bumuo ng AlDub kaya wala akong karapatang i-declare kung meron pa or wala na. Both of us are doing okay & very much happy with our lives. Wala ho akong ‘matinding pangangai­langan.’ Tinanong ako, sumagot ako.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page