Dahil health is wealth... TIPS SA MGA WORKING STUDENT PARA SURE NA HEALTHY KAHIT SUPER BUSY

NAKABIBILIB ang mga estudyante na kayang pagsabayin ang kanilang pag-aaral habang nagtatrabaho. Kaugnay nito, sabihin man nating sobrang busy ng buhay ng working students, dapat maging prayoridad pa rin ninyo ang inyong sarili dahil walang saysay ang sakripisyo ninyo kung mapababayaan n’yo lang ito. Kaya narito ang ilang self-care tips natin para sa mga working student:
1. I-MANAGE ANG ORAS AT GUMAWA NG ISKEDYUL. Walang ‘umaga at gabi’ kapag working student ka dahil kaya nating maging kapaki-pakinabang anumang oras, kaya makatutulong sa inyo ang pagkakaroon ng listahan o paggawa ng schedule chart sa notebook o puwede rin tayong mag-download ng applications dahil mahalagang maging organized tayo sa oras o alam natin ang mga dapat iprayoridad.
2. MAGHANAP NG ORAS PARA MAKAPAGPAHINGA. Siyempre, hindi porke kailangan ninyong isabay ang pagtatrabaho sa pag-aaral, eh, hindi na kayo magpapahinga. Hindi kayo robot, lahat tayo ay napapagod. Kapag may pagkakataon kayong magpahinga, gawin ninyo. Halimbawa, malayu-layo ang biyahe papuntang school o sa trabaho, gamitin n’yo ‘yun para matulog. Make sure lang na safe ang inyong mga gamit!
3. HUWAG KALIMUTANG MAG-EHERSISYO. Kapag wala talagang time sa pag-e-exercise, mag-isip na lang kayo ng puwede ninyong gawin para maigalaw-galaw ang inyong katawan. Imbes na gumamit ng elevator, maghagdanan na lang. Isa pa, kung may pupuntahan na malapit lang, huwag nang sumakay kundi maglakad na lang.
Nakatipid ka na, nakapag-ehersisyo ka pa! Tandaan, ang simpleng gawaing ito ay maaaring makapagdulot ng malaking epekto sa ating sarili.
4. UMIWAS SA MGA DISTRACTION. Sa panahon ngayon, kaliwa’t kanan ang puwedeng mapagtuunan ng atensiyon ng sinuman, partikular ang social media. Hangga’t maaari ay iwasan ito lalo na kapag nasa duty o school. Tulad ng nasabi natin, mahalagang marunong tayong magbigay ng prayoridad sa mga bagay na dapat gawin at unahin.
5. SIKAPING MAGKAROON NG SUPPORT SYSTEM. Huwag nating isipin na porke feeling strong at independent tayo, eh, hindi na natin kailangan ng suporta mula sa iba. Ang suporta ay hindi lang tungkol sa pera. Huwag kalimutan na nandiyan ang inyong pamilya, mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay para suportahan kayo sa mga bagay na pinagsisikapan at trip mong gawin.
Lahat tayo ay handang mag-sacrifice para sa ating mga pangarap sa buhay. Sabi nga nila, gaanuman kataas ang hagdanan, mararating mo ito basta magtitiyaga ka lang. Shoutout sa mga beshy at kuys nating working student, yayaman at makaga-graduate kayo! Good luck!





Comments