Clearing operations, walang sinasanto!


BAKLASAN dito, gibaan doon. Ito ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang mga public road.
Ang mga kalsada ay para sa mga motorista at ang mga bangketa ay para sa mga taong dumaraan.
Sapol, hindi lang ang mga naka-illegal parking o vendor kundi maging ang mismong ‘gobyerno’ kung saan 35 police community precincts at community police assistance centers ang nakatakdang i-demolish na pawang mga nakahambalang sa sidewalks.
Sakop din ang mga ito sa 60 araw na ultimatum para linisin ang anumang obstructions sa mga public road sa Metro Manila.
Hindi nga naman makatuwiran na habang dinidisiplina ang mga pasaway ay tayo pang mga tagapagpatupad ng batas pala ang pasimuno.
Kaya tama lang na inumpisahan na ng kapulisan ang paggiba sa mga presinto ng pulis na nakaharang sa daanan.
Kaugnay nito, umaasa tayong hindi ito ningas-kugon. ‘Yung tipong masigasig ang clearing operations ngayon at bukas o sa makalawa, eh, nagbalikan na naman ang mga pasaway sa kalsada.
Sana ay makiisa rin tayo sa mabuting layunin ng pagbawi sa mga kalsada. Hindi lang para sa kaayusan kundi higit sa lahat, para sa kaligtasan.





Comments