top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BITUIN NG MANILA, NANLUSAW SUWELAS NG MARIKINA, PINUDPOD

MC / Alvin Olivar
Aug 2, 2019
1 min read

GALAWANG pang-Stars ang pinatunayan ng Manila nang kabigin ang panalo kontra Marikina, 107-96 sa MPBL Lakan Season sa Angeles University Foundation Arena sa Pampanga. Ito ang ika-5 diretsong panalo ng Stars na umibayo ng win-loss record sa 7-1 upang patatagin ang kapit sa solo second spot sa torneo.

Bagong salta lamang sa Stars si Gabby Espinas at agad na nagpakitang-gilas ang dating PBA player sa bisa ng 7 puntos at sumunggab ng 10 rebounds. Nakadagdag siya sa maraming talent ng team.

Naghintay lamang ang 6-time PBA champion na makadale ng opensa at makagawa ng dobleng pigura para sa Stars na pinagbibidahan ni Carlo Lastimosa.

Nakapagsalpak si Lastimosa ng 22 puntos habang si Gian Abrigo ay may 13. May tig-12 puntos na naiambag sina Marvin Hayes at Aris Dionisio.

May 11 si Chris Bitoon, habang may 10 si Marvin Lee nang magsanib-puwersa ang tikas ng Stars para lusawin ang Shoemasters at ibigay ang ika-7 panalo sa marami nang laro.

Masaklap muli para sa Marikina na matamo ang pitong pagkatalo at nanatiling isa sa dalawang wala pang panalo sa team ng torneo. Nakaalagwa naman sa panalo ang Pampanga at Bulacan sa ibang laro. Nanaig ang Giant Lanterns squad ng ADG Construction sa Valenzuela Classic, 77-74.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page