top of page

Para sa mga nakatira sa mabababang lugar na laging nilulubog tuwing may bagyo... MGA PARAAN NG PAGLI

  • Donna Thea Topacio
  • Aug 1, 2019
  • 1 min read

No Problem

PARA sa mga beshy nating sa kasamaang-palad, eh, inabot ng baha ang bahay, don’t worry, mayroon tayong tips sa inyo kung paano lilinisin ang inyong mga bahay, pagkahupa ng baha!

1. GUMAMIT NG ORGANIC NA PANLINIS. Importante na kapag naglilinis ng bahay ay gumamit ng mga panlinis na walang masyadong kemikal dahil mas mabuti ito sa kalusugan ng buong pamilya.

2. SA PAGTATAPON NG BASURA, IHIWALAY ANG MGA NABUBULOK SA MGA HINDI NABUBULOK. Hindi lang sa paglilinis ng bahay tuwing may baha dapat isagawa ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura. Ito ay dapat na maging kaugalian para makatulong din tayo sa ating kapaligiran at kalikasan.

3. BANLAWAN NG MALINIS NA TUBIG ANG MGA KAGAMITANG NALUBOG SA TUBIG-BAHA. Yes, beshy! Huwag lang punas nang punas dahil for sure, imbes na mawala ang mikrobyong nakuha ng mga ito dahil sa tubig-baha ay lalo lang itong darami.

4. PATUYUIN MUNA ANG NABASANG ELECTRICAL APPLIANCES BAGO SUBUKAN KUNG GUMAGANA PA ITO. Dahil delikadong mabasa ang electrical appliances, lalo na kung hindi ito waterproof, mainam na patuyuin muna ito bago muling buksan o gamitin.

5. BIGYANG-IMPORTANSIYA HINDI LAMANG ANG KALINISAN NG BAHAY KUNDI PATI NA RIN ANG PALIGID NITO. Kung naglinis na sa loob ng bahay, ugaliing maglinis na rin sa labas dahil ‘ika nga, kung ano ang nakikita sa labas ng bahay, ganundin ang makikita sa loob nito. Keep safe, mga beshy!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page