Magpakalalaki raw kung 'di guilty… HAMON NG MADLANG PIPOL: GERALD, HARAPIN MO SI BEA!
- BULGAR

- Aug 1, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

HINDI na disabled ang comment box ng Instagram (IG) ni Gerald Anderson, pero hindi pa rin siya active mag-post. Ang last post ng aktor ay July 21 pa at hindi na uli nagparamdam.
Pero, may ni-like siyang post ng kanyang fan at isa pa na nag-post ng “There’s always two sides to every story. If you are unwilling to hear the other side and only draw your conclusion from a half told story, then you’re shooting to be a manipulated fool.”
Ang payo kay Gerald ng mga netizens, harapin ang isyu para kung hindi totoo ang tsismis sa kanila ni Julia Barretto, malinis ang pangalan ng young actress. Isa pang payo ng madlang pipol ay harapin din niya si Bea Alonzo at mag-usap sila para maayos na ang lahat sa kanilang dalawa.





Comments