MAG-INA ITINULAK SA PARATING NA TREN, 8-ANYOS TIGOK
ITINULAK sa paparating na tren ang 8-anyos na lalaki dahilan para masawi ito sa Frankfurt main station, Germany.
Ayon sa mga saksi, sapilitang itinulak ng suspek ang bata at kanyang ina sa riles bago tumakas at nagtangka pa umano itong manulak ng isa pa ngunit, nabigo ito.
Nakaligtas ang ina ng bata na ngayon ay nagpapagaling na.
Dahil dito, naglunsad na ng murder inquiry ang mga awtoridad habang hindi naniniwala ang mga ito na kakilala ng mga biktima ang suspek.
Kinondena ni Interior Minister Hoster Seehofer ang pag-atake at pinayuhan ang publiko na huwag munang gumawa ng espekulasyon hangga’t hindi pa nalalaman ang motibo sa pag-atake.





Comments