top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Agosto 1, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 1, 2019 (Huwebes): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo. Kaya pinatitibay at pinatatatag ka ng iyong kapalaran nang sa gayun ang mga ito ay hindi masayang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong, sa ganito, mas mabilis kang uunlad. Kaya ang payo para sa iyo, huwag kang mabilis magdesisyon. Masuwerteng kulay-yellow. Masusuwerteng numero-9-10-23-29-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang panahon para muli mong sulyapan ang mga naiplano mo na. Ang ganitong sistema ay para maitugma mo sa mga bagong kaganapan ang iyong mga hakbang. Masuwerteng kulay-purple. Masusuwerteng numero-18-22-24-31-33-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Magdahan-dahan ka, hindi ngayon ang tamang panahon ng pagsugod. Ang nakikinig sa payo ay napabubuti at ang nambabalewala ay napapahamak at nakararanas ng masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-pink. Masusuwerteng numero-2-16-27-30-33-41.

CANCER (June 21- July 22) - Nagbababala ang araw na ito na tatalunin ka ng lungkot na nakakapit sa mali mong pananaw sa buhay. Ang payo ay nagsasabing, makipag-ugnayan ka sa mga taong malapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-beige. Masusuwerteng numero-3-11-13-15-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa anumang klase ng debate, hindi dahil sa ikaw ang matatalo kundi ang ilang suwerte mo ay maaaring mailipat sa makatutunggali mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Masusuwerteng numero-7-18-20-21-25-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap paniwalaan, pero kailangan mong malaman na kapag nagkaroon ka ng ilang sandali ng katahimikan, magsisipasok sa isipan mo ang magagandang pormula para ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-black. Masusuwerteng numero-6-19-24-27-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng gawin mo ang mga nasa isip mo. Ang mga ito ay makagaganda sa buhay mo, pero wala sa tamang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Masusuwerteng numero-16-24-25-30-35-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibabalita ng iyong kapalaran na ang mga bagong naiisip mo na puwedeng magpaunlad sa buhay mo ay puwedeng-puwede mo nang ituloy. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Masusuwerteng numero-2-11-14-21-25-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pag-ukulan ng pansin ang nawala. Ang iyong panahon ay gugugulin mo sa mga taong nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Masusuwerteng numero-17-24-28-30-35-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilabas mo ang iyong sarili sa sitwasyon na maiipit ka. Piliin mo pansamantala na ikaw ay mapag-isa, walang pinapanigan at tahimik lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Masusuwerteng numero-16-21-24-35-38-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaibang pormula ng kapalaran ang kailangan mong gawin. Inisin mo ang taong sinusuwerte. Sa ganito, maililipat sa iyo ang ilang suwerte niya. Masuwerteng kulay-white. Masusuwerteng numero-15-24-28-36-38-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palihim at dahan-dahan kang kumilos para sa ikauunlad ng buhay mo. Huwag kang gumaya sa iba na sobrang nagsasaya kapag gumaganda ang kanilang kalagayan. Masusuwerteng kulay-green. Masusuwerteng numero-1-5-11-16-29-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page