top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

WALA NANG KUSKOS-BALUNGOS, MAGKAISA PARA SA SEA GAMES!

  • Gerard Arce
  • Jul 31, 2019
  • 2 min read

NAGPATAWAG ng pagkakaisa si bagong hirang na Pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa lahat ng miyembro ng executive board ng national Olympic body para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Ang panawagan ng pagkakaisang ito ni Tolentino ay hudyat umano ng pagtatapos ng alitan sa pagitan ng iba’t ibang panig sa loob ng National Olympic Body kung saan naging sanhi pa ito para mag-resign ang ilang pangunahing miyembro noong mga nakalipas na buwan.

Sinabi rin ni Tolentino na dapat ay mas pagtuunan pa ng pansin ng bawat isa ang na lalapit na biennial meet na nakatakdang simulan sa Nob. 30 hanggang Dis. 11. “We need to be United. You cannot close a direction kung walang unity and we have to focus on our preparation for the SEA Games,” pahayag ni Tolentino kahapon sa lingguhang PSA Forum.

“Kapag hindi tayo united, forget everything. That will be not a challenge for us, but a challenge to them. Tayo nag-ooffer ng unity, kung ayaw nila ng unity, then we go to other direction,” dagdag ni Tolentino na pinuno rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o Phil Cycling.

Inanunsyo ni Tolentino na magkakaroon ng isang executive board meeting sa Biyernes, Agosto 2 para pag-usapan ang mga updates sa nalalapit na SEA Games kung saan imbitado ang isang miyembro ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). Inaasahan na ni Tolentino na pag-uusapan sa naturang executive meeting ang kalagayan sa paghahanda ng bansa sa biennial meet, gayundin ang ilang importanteng usapan gaya ng reporma, pagrerebisa sa constitution at by-laws, at ilang isyung kinakaharap nito.

“I tried to reach out, malalaman ko sa Friday. I will answer them kung ano mang tanong ang itatanong nila, nasa kanila iyon kung tatanggapin nila iyong sagot ko. Basta sasagutin ko lahat ng tanong nila. And hopefully this could be a good start for POC,” esplika nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page