Sey no to credit cards, lodi! | 5 BAD HABITS KUNG BAKIT 'DI NAKAKAIPON
- Hiraya
- Jul 31, 2019
- 2 min read

LAHAT tayo ay mayroong kani-kanyang diskarte pagdating sa expenses, partikular ang young adults at dahil nagsisimula pa lang tayong matuto sa pagba-budget, hindi maiwasang magkaroon ng pagkakamali, kaya ang ending, nahihirapan tayong makapag-ipon. Hu-hu-hu! Para makaipon, dapat nating alamin kung ano ang mga financial mistake na nagagawa natin. Anu-ano nga ba ang mga ito?
1. PAGPAPAUTANG. ‘Ika nga nila, maraming nasisira sa pagpapautang kabilang ang relationship at peace of mind. Ito ay dahil karaniwang nagiging hingi ang perang inutang sa atin. Agree? Mga besh, kung gusto ninyong magpautang, go lang, pero, dapat ikonsidera ninyo na ang ipinautang ninyo ay maaaring hindi na maibalik, lalo na kung kapamilya natin ang nanghiram. In short, huwag magpautang kung hindi ka siguradong babalik ang pera mo sa iyo. He-he-he!
2. PAGBABAGO NG LIFESTYLE. For sure, marami ang guilty dito. Noong nag-aaral pa tayo, sobrang tipid natin, pero kahit papaano, eh, nakasu-survive tayo. Ngayong kumikita na tayo, nagbago na ang ating lifestyle kung saan nag-a-upgrade tayo ng kung anu-ano. Halimbawa, pagbili ng cellphone kahit hindi pa kailangang magpalit. Walang masama sa pag-a-upgrade ng lifestyle kung afford mo, beshy, ang point ay huwag mag-upgrade basta-basta kung nakasu-survive tayo sa simpleng set-up.
3. PAGBABASE NG SUCCESS SA IBA. Ang numero-unong nagti-trigger nito ay ang social media. Halimbawa, kapag nakita nating nagta-travel ‘yung kakilala natin, naiisip natin na hindi tayo successful dahil hindi pa natin afford mag-travel. Very wrong ang mindset na ito dahil at the end of the day, iba’t iba tayo ng priority at depinisyon ng ‘success’. Hindi porke hindi nagta-travel ang iba, eh, maliit ang income niya, posibleng hindi ‘yun ang priority niya, pero para sa kanya, successful siya kapag nakapagpagawa na siya ng bahay o nakapagpundar ng mga gamit. Okie?
4. PAGGASTOS NANG ADVANCED. ‘Yung tipong wala pa tayong suweldo pero, nabawasan na ‘yung savings natin dahil alam nating darating na ang suweldo? Bad practice ito, mga besh! Kapag nasimulan natin itong gawin, siguradong mauulit ito hanggang sa hindi natin namamalayan na imbes na lumaki ang savings natin, lumiliit ito. Kung kaya nating magtiis na huwag gumastos habang wala pang suweldo, gawin natin dahil maaapektuhan ang budget natin kung wala pa nga, eh, nabawasan na.
5. PAGBILI GAMIT ANG CREDIT CARD. Aminin man natin o hindi, nakatutuksong bumili kapag may credit card. Minsan, hindi na natin nadya-justify ang paggamit nito sa pamimili ng gamit. Okay lang mag-swipe, pero kung hindi mo kayang bayaran in cash, it’s a sign na huwag gamitin ang credit card, beshy! Tandaan, maaari kang lumubog sa utang at hindi makaipon kung hindi mo ito gagamitin nang tama.
Kung nagkamali tayo, okay lang ‘yun dahil parte ito ng learning, kumbaga, kailangan nating magkamali para matuto.
Hindi na natin puwedeng i-rewind ang panahon para bawiin ang mga pagkakamaling nagawa natin. Kaya mga besh, move on na tayo at maging responsableng adult sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkakamaling ito. Okie?





Comments