Naidirek ng box office director… ALDEN, KA-LEVEL NA NINA JOHN LLOYD AT DANIEL


HINDING-HINDI nga malilimutan ni Alden Richards ang pelikulang Hello, Love, Goodbye dahil bukod sa nakapareha niya ang box-office star at two-time Best Actress na si Kathryn Bernardo, nai-direk pa siya ng premyadong direktora na si Cathy Garcia-Molina.
Maraming artista ang nangangarap na maidirek ni Direk Cathy. Sinuwerte si Alden na bago man lang ito magretiro sa showbiz ay nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang box office hit director ng Star Cinema.
Kung magaling na aktor na si Alden, mas lumalim at mas gumaling pa siyang umarte dahil sa kakaibang work experience niya kay Direk Cathy Garcia-Molina.
Kung ano ang naitulong ni Direk Cathy sa career nina John Lloyd Cruz at Daniel Padilla ay ganu’n din ang naranasan ni Alden. Mas matindi at challenging role pa ang kakayanin niyang gampanan. Magle-level-up nang husto ang kanyang pagiging aktor.
Samantala, may naka-schedule nang mahigit 200 block screenings ng pelikula na sponsored ng mga fans.
Ngayong naipalabas na ang Hello, Love, Goodbye, ang paghahanda naman sa bago niyang serye sa GMA-7 ang aasikasuhin ni Alden. May kakaibang kuwento ito na ang tentative title ay The Gift. Tungkol ito sa taong may kakaibang power at kasama niya rito sina Mikee Quintos, Jo Berry, Betong Sumaya, atbp..





Comments