top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LIBRENG TRAININGS NA HATID NG PCUP, ABANGAN SA INYONG BARANGAY!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2019
2 min read

ALAM ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang mga daing at problema ng mga maralita nating kababayan kaya hatid nito ang mga programang makatutulong upang mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi man nakapagbibigay ng direktang tulong ang ahensiya lalo na sa usaping pinansiyal, nagsisilbi naman itong tulay na naglalapit sa iba’t ibang ahensiya hinggil sa mga problema ng mga mahihirap upang mabilis itong maaksiyunan at maresolba. Isa na rito ang pagbibigay natin ng kaalaman na kapaki-pakinabang.

Tanong: Ako ay lider ng samahan sa aming barangay at nais ko lamang malaman kung may mga training ba ang PCUP na puwede sa amin at kung may bayad ba ito? Isa pa, paano kami makaa-avail ng ganitong klaseng training? — Jerry ng Bagong Silangan

Sagot Magandang araw sa iyo, Jerry! Sinisikap ng ating tanggapan na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga maralita nating kababayan tungkol sa mga batas sa usaping pabahay, mga programa at serbisyo na hatid ng gobyerno na magbibigay ng mas malaking oportunidad.

Nagsasagawa ang PCUP ng Capability Building Program o CBP sa iba’t ibang siyudad sa loob ng bansa. Kabilang sa modules na tinatalakay ang leadership skills, organizational management, paralegal training, conflict management, values management at gender and development.

Layunin nitong himukin ang mamamayan na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa mga programa ng pamahalaan at maging bukas ang kanilang isipan sa pagbabahagi ng kanilang opinyon at suhestiyon sa mga usaping pangpamayanan.

Libreng ibinibigay ng PCUP ang training sa mga Urban Poor Organization o samahang maralita na accredited ng ating ahensiya. Maaari kayong magpadala ng inyong letter of request sa aming bagong opisina.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page