KOTSE NAHULOG SA BANGIN, 5 SUGATAN
BAGUIO CITY—Lima katao ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang kinalululanan nilang kotse kamakalawa sa Bgy. Loakan Liwanag sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Conrad Allikoy, driver ng kotse, Reniel Ganayon, Angelo Balanao, Jomar Todo at Lawrence Aquino, pawang mga residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Allikoy kaya nahulog ang kotse sa bangin na may lalim na 25 talampakan. Ginagamot na ngayon ang mga biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center.





Comments