Kapuso actor, nag-ober da bakod… ALDEN, PANGHATAK SA RATINGS NG SHOW NINA KARLA, MELAI AT JOLINA


NAGKITA sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay sina Karla Estrada at Alden Richards. Isa si Karla sa mga hosts ng Magandang Buhay at ina ni Daniel Padilla, ang boyfriend ng leading lady ni Alden sa Hello, Love, Goodbye na si Kathryn Bernardo.
Naging very warm naman si Karla kay Alden sa guesting ng Kapuso actor sa MB. Baka nga nagkatsikahan na sila sa dressing room or backstage ng Kapamilya morning show bago pa man sila sumalang on air.
Wala naman kasing masasabi si Karla kay Alden dahil pawang magaganda ang mga sinabi ng Kapuso star tungkol kay Daniel. Inalalayan din naman ni Alden si Kathryn at ‘di nag-take advantage sa aktres sa mga eksena nila.
At saka, first time ni Alden na maging bisita nina Karla, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa Magandang Buhay kaya happy silang lahat sa set. Sabi nga ng tatlong MB hosts, never nilang na-imagine na aapir sa morning show nila si Alden, kaya ganu’n na lang ka-overwhelmed ang tatlo na nakatsikahan nila ang Kapuso actor.
For sure, dodoble pa ang taas ng rating ng Magandang Buhay sa guesting ni Alden with Kathryn, Direk Cathy Garcia-Molina and the rest of the cast ng Hello, Love, Goodbye.





Comments