top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Horoscope | Hulyo 31, 2019 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 31, 2019 (Miyerkules): Mula pa lang noong bata ka, hindi ka na nauutusan. Bakit kaya? Dahil ikaw ay hindi isinilang na tagasunod kundi tagautos.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pabigla-bigla ang pag-angat mo sa buhay, sa huli, mas mataas ka kaysa sa pinapangarap mong kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Masusuwerteng numero-3-19-20-24-30-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganito ang sabi, kung sino ang iyong nakakasama, magiging ganu’n ka. Kaya ang payo sa iyo, dumikit ka sa mga sinuwerte at tiyak na susuwertehin ka rin. Masuwerteng kulay-yellow. Masusuwerteng numero-11-12-28-39-41-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Itataas ka ng nasa paligid mo, pero mag-aalinlangan ka dahil ang alam mo, kaya lang maganda ang nangyayari sa buhay mo ay dahil likas kang mapalad. Ito ang mensahe para sa iyo.

Masuwerteng kulay-purple. Masusuwerteng numero-15-29-34-37-41-42.

CANCER (June 21- July 22) - Mahihirapan ka at parang susuko ka sa hamon ng buhay, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may masisilip kang liwanag tulad ng liwanag sa gilid ng makakapal na ulap. Masuwerteng kulay-pink. Masusuwerteng numero-9-11-12-26-39-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangang maging masipag. Ang mga suwerte ay kusang gumuguhit sa iyong buhay. Gayunman, ang paghihirap mo ay mapakikinabangan mo pa rin. Masuwerteng kulay-beige. Masusuwerteng numero-18-22-25-34-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakatok sa kapalaran mo ang pagkakataong ikaw ay umasenso. Nagbabalita ito na mamumuno ka at hahawak ng maraming tao. Huwag kang aatras, kailangan mo itong tanggapin at yakapin. Masuwerteng kulay-blue. Masusuwerteng numero-17-24-25-36-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Mapasasaiyo ang pinapangarap ng marami. Ikaw na hindi sapat ang kakayahan ay magtatagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Masusuwerteng numero-9-14-16-27-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipadama mo sa palagi mong nakakasama ang pagtingin mo. Huwag mong kalilimutan na ang nakakasama mo ay regalo ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Masusuwerteng numero-2-19-21-24-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong bitiwan ang dati ng nagpasaya sa iyo. Mahalaga rin ang mga bagong kaibigan at kapalagayan ng loob mo, pero sila ay susubukan muna ng panahon. Masuwerteng kulay-peach. Masusuwerteng numero-18-20-27-28-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang buhay sa mundo. Ang minsang naglamangan ay muling maglalamangan. Ikaw ang nasa huli, kaya muli kang malalamangan ng malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Masusuwerteng numero-17-22-25-34-35-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, pero kahit nag-aalinlangan ka, ang payo sa iyo ay awayin mo ang nagmamahal sa iyo. Sa ganitong kakaibang paraan, mas lalong tatamis ang inyong relasyon. Masuwerteng kulay-brown. Masusuwerteng numero-16-18-20-24-39-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang sinumang makapipigil sa pag-ikot ng kamay ng orasan. Sa ganitong katotohanan, hindi ka mapag-iiwanan kaya huwag kang mabuhay sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Masusuwerteng numero-14-15-16-20-21-25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page