top of page

Kabado sa magiging amo... palad ng susuwertehin 'pag nag-abroad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Nag-a-apply ako ngayon sa Kuwait bilang domes­tic helper. Itatanong ko lang kung matutuloy ako dahil matagal na akong naghihintay at ang ibang mga ka­samahan ko ay nakaalis na?

  2. Kung matutuloy ako, magiging produktibo kaya ang buhay ko ru’n at makatatagpo kaya ako ng mabait na amo?

  3. Ngayon ay may boyfriend ako na kasa­ma­han ko rin sa dati kong trabaho, isa siyang helper sa bakery, kami na kaya ang magkakatulu­yan?

KASAGUTAN

  1. Walang magiging prob­lema sa inaasikaso mong pag-a-abroad ngayon kahit pa sa Kuwait ka pupunta o isa sa mga bansa sa Middle East, ito ang nais sabihin ng matino, ma­ayos, maganda at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na walang duda, sa sandaling nagtuluy-tuloy na ang pagdating ng magagandang kapalaran, hindi matata­pos ang 2019 o kaya ay sa unang buwan ng taong 2020, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kara­nasan.

  3. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka ngayong taon ay madaling kinumpirma ng iyong lagda na umaangat-angat paitaas ang dulong stroke o linya kung saan sa ka­sa­lu­kuyan ay nasasagap na ng unconscious-self mo ang po­sib­leng mangyayari – mabunga at mabiyayang pag-a-abroad ang naghihintay sa iyo sa isa sa mga bansa sa Gitnang Sila­ngan.

  4. Tungkol sa itinatanong mo sa iyong love life kung ang kasalukuyan mo na bang boyfriend ang iyong maka­tutulu­yan? Pansining higit na mas malinaw at mahaba ang ikala­wang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung iku­kumpara sa unang Marriage Line (1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sino ang ikalawang magi­ging boyfriend mo, ti­yak ang magaganap, ang lalaking nabang­git na isinilang sa zodiac sign na Scor­pio ang siya na ring makatutuluyan at makaka­sama mo sa pagbuo ng simple, pero masayang pamilya, habambuhay.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Mary Joy, hindi na mapipigil ang nakatakda kung saan ngayong 2019, sa buwan ng Oktubre o kaya ay sa susunod na taong 2020 sa buwan ng Marso, sa edad mong 32 pataas, matutupad na ang malaon mo nang binabalak at pinapangarap - may mabunga at ma­biyayang pagdo-domestic helper sa Kuwait na itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page