Horoscope | Hulyo 30, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 30, 2019 (Martes): Marami ang nagsasabing bawasan mo ang iyong kabaitan, ang langit ay nagsasabing, ikaw ay pinagpapala dahil sa mga ginagawa mong kabutihan sa iyong kapwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ito gabay, ito ay tiyak na iyong mararanasan kung saan ikaw ay tatalunin ng iyong emosyon at kaaawaan mo ang nakikita mong hirap na hirap para umasenso. Masuwerteng kulay-white. Masusuwerteng numero-19-20-24-39-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang mga bagay na para sa sarili mo. Ang kadalasang pagsisisi ay nararanasan sa huli. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Masusuwerteng numero-18-21-28-30-33-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Kahit labag sa loob mo, maiisahan ka dahil sa araw na ito ay mahina ang iyong depensa laban sa mga taong may hindi magandang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Masusuwerteng numero-4-21-25-30-40-46.
CANCER (June 21- July 22) - Muling ibinalik ng langit ang mga masusuwerteng araw mo. Ang sobrang masosorpresa ay ang mga lihim na kaaway mo dahil inaakala nilang ikaw ay matatalo. Masuwerteng kulay-purple. Masusuwerteng numero-17-25-29-34-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gumawa ka ng kabutihan kahit simpleng tulong lang. Papalitan ito ng langit ng malalaki at magagandang kapalaran. Sundin mo ang payo kahit nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-pink. Masusuwerteng numero-8-15-16-24-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na ang mga negatibong pananaw ay mananahan sa iyong isipan. Ang payo ay huwag ka munang magpasya ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Masusuwerteng numero-9-17-21-26-30-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit kontrahin ka, hindi ka magbabago. Kahit harangan ka ng sibat, sasabihin mo sa iyong sarili na walang pakialam sa iyo ang kahit na sino. Masuwerteng kulay-blue. Masusuwerteng numero-2-8-11-18-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag mong magagawa ang gusto mong gawin dahil ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ay aalisin mismo ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Masusuwerteng numero-18-26-28-30-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka nag-iisa sa pagtawag mo sa langit, maaaring hindi mo paniwalaan na may nanalangin na gumanda ang iyong buhay at siya ay pagbibigyan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Masusuwerteng numero-11-14-27-31-35-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iiral ang pagiging mahiyain mo, pero ang langit ay nagpasya na kahit ano ka pa at kahit nasaan ka, ang mga suwerte sa iyo ay bibisita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Masusuwerteng numero-13-23-29-32-42-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon, hindi mo pa magagawa ang gusto mong gawin dahil maaawa ka. Pero, sa ibang araw, ang awa mo sa iyo ay mawawala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Masusuwerteng numero-9-18-20-25-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa araw na ito, maluwag mong magagawa ang iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Masusuwerteng numero-3-15-22-26-35-39.




Comments