Big Bang member, nagsalita na…NABULGAR: BUILDING NA PAG-AARI NI DAESUNG, PUGAD NG PROSTITUSYON
- Lee Vin Nia
- Jul 30, 2019
- 3 min read

ISA na namang Big Bang member ang nahaharap ngayon sa kontrobersiya at ito ay si Daesung na kasalukuyan pa namang nasa military service.
Last July 26 ay eksklusibong ini-report ng Channel A’s News A na diumano, ang building ni Daesung sa Gangnam District ay hinihinalang may ilegal na business entertainment.
Sinasabing binili ni Daesung ang naturang building noong 2017 for 31 billion won (approximately 1.3 billion in Philippine peso).
Ayon sa report ng News A, lima sa mga palapag ng gusali ay nagpo-provide ng adult entertainment and even reported that some of those businesses mediated prostitution services.
Ayon pa sa report, naka-register ang building na ang floors 5-8 ay mga restaurants at isang photography studio. Sinasabi ring sa rental pa lang ay kumikita na ang gusali ng 100 million won (o humigit-kumulang P4.3M) per month.
Pinuntahan ng production staff ng News A ang naturang gusali located in the heart of Gangnam at napatunayang wala naman daw signage mula sa labas na nag-a-advertise ng mga naturang supposed businesses at ang tatlong palapag daw ay hindi ma-access mula sa elevator.
Ang 8th floor naman daw na dapat ay photography studio ay may harang at hindi accessible sa publiko.
Ininterbyu rin ng News A ang mga kapitbahay ng building at ayon sa mga ito, ang mga nasabing negosyo ay sa gabi lamang nagbubukas na karamihan ay puro lalaki ang nasa loob at pagkatapos ay magpapasukan ang mga babae’t ie-escort pa raw sa mga mamahaling sasakyan sa labas.
Kaagad namang nag-release ng kanyang statement si Daesung tungkol dito kahit na nasa military siya. Sa pamamagitan ng kanyang agency na YG Entertainment, narito ang buong statement ng singer:
“Hello, this is Daesung! First of all, I would like to express my sincere apologies for greeting everyone with this kind of [matter] while I am serving in the military, as well as for causing everyone to worry.
“The building described in the reports is one that I purchased just before enlisting and is a building that has been under my name. I enlisted almost immediately after buying [the building], and as a result from it, I would like to once more sincerely apologize for my inexperienced management of the building.
“At the time of purchasing the building, business was already taking place as there were tenants that had already moved in, so I was not properly aware of the illegal activities of the relevant companies. For establishments that have been identified to have done illegal activities, we will immediately be taking legal action, and with my responsibilities as the landlord, I will do my best.
“I have belatedly realized my shortcomings and am deeply reflecting. I will do my best faithfully in regards to all the incorrect aspects. Thank you.”
Nagbigay na rin ng pahayag ang Seoul Gangnam Police at sinabing, “We are currently examining to see if aiding or abetting is applicable to Daesung regarding the illegal businesses (in his building).”
Matatandaang last March of this year nasangkot ang isa pang member ng Big Bang na si Seungri sa isang napakalaking iskandalo (Burning Sun Scandal) to the point na kinailangan niyang mag-quit sa showbiz.
Sinundan naman ito ng isa pang kontrobersiya involving Big Bang leader, G-Dragon na ang tsismis naman ay hindi umano na-promote sa military service dahil sa dami ng leave nito sa kampo at pinaghihinalaang nakakatanggap ng special treatment dahil sa pagiging artista nito.
Ang isa pang miyembro na si T.O.P. ay nasangkot naman sa marijuana issue noong 2017.
Samantala, nakatakdang ma-discharge ang tatlong miyembro ng Big Bang na sina G-Dragon, Taeyang at Daesung in Oct and Nov. this year habang si T.O.P naman ay nakalabas na noong July 6.





Comments