After Derek, John Lloyd at Carlo, ayaw na raw, may Cholo na uli ngayon… ANGELICA, EASY TO GET KAYA &
- BULGAR

- Jul 30, 2019
- 1 min read

MAY pagka-masokista ba si Angelica Panganiban kaya hindi niya mapanindigan ang sinabi niyang hindi muna siya papasok sa bagong relasyon noong masaktan siya after ng breakup nila ni Carlo Aquino?
Todo-emote at panay pa ang post niya sa social media ng kanyang mga hugot na patama sa mga ex-BFs niyang sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Carlo Aquino. Lagi na lang daw siyang nasasaktan at iniiwanan. Hindi raw siya binibigyan ng importansiya ng mga lalaking minahal niya nang todo.
Kaya nang tuluyan na siyang iniwan ni Carlo ay nangako siya na hindi na basta maniniwala pa sa mga lalaki. Hindi na muna siya iibig at ipapahinga muna ang nasaktang puso.
Pero heto at mukhang hindi na kaya ni Angge na mabuhay na walang love life. Todo-display na naman siya kay Cholo Barretto na ex-BF ni Ryza Cenon.
May gusto lang bang ipamukha si Angelica kay Carlo? Minahal ba niya sa Cholo o gagawing cover-up at pang-displey lang? At gaano siya kasigurado na hindi rin siya iiwan ni Cholo at hindi mauuwi sa paghihiwalay ang lahat?
Si Ryza nga, ilang taong naging GF ni Cholo, pero nag-break din. Dapat, eh, maging wise na sa paghawak ng relasyon si Angelica upang hindi iwanan ng karelasyon.





Comments