Sabayan lang ng gamit ng lucky color... susuwertehin abroad at sa pag-aasawa kahit 'di high scho

Dear Maestro,
Itatanong ko kung ano ang aking masusuwerteng kulay, araw at numero at kung dapat ko bang ipagpatuloy ang pag-a-apply bilang domestic helper sa Saudi?
Hindi kasi ako graduate ng high school, kaya pinanghihinaan ako ng loob, pero minsan ay naiisip ko rin na pag-a-abroad lang ang paraan upang ako ay umasenso.
Sa ngayon ay tindera ako ng used clothes at mag-isang bumubuhay sa aking mga anak dahil hiwalay ako sa dating naka-live-in ko.
Sa palagay ninyo, may pag-asa pa kayang umunlad at umasenso ang buhay ko para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking dalawang anak?
June 23, 1986 ang birthday ko.
Umaasa,
Juvy ng Baguio City
Dear Juvy,
Ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Cancer at Gemini, gayundin, ang birth date mong 23 o 5 (2+3=5), ito ay nagsasabing, silver, gray, powder blue at puwede rin ang metallic blue ang mapalad mong kulay.
Habang kung ang pagbabasehan ay ang destiny number mong 8 (6+23+1986=2015/ 20+15=35/ 3+5=8), sinasabing puwede rin sa iyo ang kulay berde at ang lahat ng kulay na hinango sa berde.
Sa Numerology, magiging mapalad ka sa lahat ng mga numero na may sumatutal na 7, 5 at 8 tulad ng 7, 16, 25, 34, 5, 14, 23, 32, 41, 17, 26, 35, 44 at iba pang kauri nito.
Higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 4, 13, 22, 31, 7, 1, 26, 25, 5, 14 at 23, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Linggo.
Ang nasabing mga numero ay hindi mo lang mapakikinabangan sa pakikipagsapalaran, lalo na ngayong wala na ang lotto, sa halip, magagamit mo rin ‘yan bilang iyong suwerteng petsa o kaya ay numero ng bahay, plate number ng sasakyan at kung may pa-raffle sa inyong lugar ay maaari mo ring gamitin o subukan ang nabanggit na mga numero.
Tama ang iniisip mong mag-apply sa abroad upang umasenso at ang pangingibang-bansang ito ay maaaring maganap ngayong 2019 hanggang 2021, sa edad mong 33 pataas.
Huwag mo ring kalilimutan ang tunay na kahulugan ng numerong 23 tulad din ng 14 at 5 ay nakapag-a-abroad o kaya ay yumayaman sa pagnenegosyo o sa pag-aasawa.
Kaya kung sakaling may dumating kang manliligaw na may kaya sa buhay, wala kang dapat gawin kundi sagutin siya kaagad sapagkat maaaring ‘yun na ang itinakdang magandang kapalaran sa iyo ng tadhana upang yumaman sa pag-aasawa na isa rin sa mga nakatakdang kapalaran para sa mga taong singko na tulad mo.
Ayon naman sa iyong Travel Calendar, tulad ng nasabi na, significant at favorable years mo sa pangingibang-bansa ngayong 2019 sa edad mong 33 pataas at ang taong 2020, sa edad mong 34 pataas, sa nabangit na panahon, tiyak ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.




Comments