Ibinulgar ng mismong asawa… CALVIN, NAKABUNTIS NG 2 BABAE, TINAGUAN LANG
- BULGAR

- Jul 29, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

SUNUD-SUNOD na kontrobersiya ang kinakaharap ngayon ng dating rumored BF ni Vice Ganda na si Calvin Abueva. Hindi tuloy mapigilan ng mga netizens na mag-comment na mukhang tama na hindi nagkatuluyan ang dalawa dahil mas masaya ang Unkabogable Star sa piling ngayon ni Kuya Escort Ion Perez.
Noong Sabado (July 27) nang gabi, nag-Instagram live ang misis ng suspended PBA player na si Sam Abueva at ibinulgar ang pananakit ni Calvin sa kanya at sa mga anak nila. Ipinost din niya ang ilang screenshots ng CCTV footage ng diumano’y pananakit sa kanya at sinagot ang ilang katanungan ng mga netizens.
Aniya, “Last year, 2018, January, tumakas kami ng mga anak ko sa kanya kasi sobra na ‘yung threat na ginagawa niya sa ‘kin — sasaksakin na niya ako, babarilin na niya ako.”
Dagdag pa niya, “‘Yung mga CCTV na ‘yun, ang pananakit ni Calvin na hindi ninyo masisikmura kung paano niya ako saktan at kung paano niya saktan ang mga anak namin.”
Ikinuwento rin niya na nagkaroon sila ng away ni Calvin ngayong July na naging dahilan kung bakit siya isinugod sa ospital.
“July 10, nag-spotting ako kasi lasing siya, dinaganan niya ang tiyan ko, naospital ako noon. July 8, pinipilit niya akong galawin, dinudugo ako. Sabi ko, ‘Hindi puwede kasi makukunan ako, ayaw kong mawalan ng anak.’”
Hindi na raw niya mapigilang hindi isiwalat ang ginagawang pananakit sa kanila ni Calvin dahil nadadamay na ang kanilang mga anak.
Aniya, “Kaya lang naman ako nagkaganito dahil ‘yung anak na nakakita ng lahat ng ginagawa niyan, ito ‘yung madaling-araw gumising.
“Nanginginig siya, gusto niyang yakapin ko siya nang mahigpit. Pinapabuksan niya sa akin ‘yung ilaw kasi natatakot siya sa daddy niya. Nandoon na kami sa punto na ganoon.”
Ikinuwento rin ni Sam Abueva na dalawa ang nabuntis ni Calvin pero hindi nito pinanagutan.
Aniya, “Dalawa ‘yung nabuntis mong babae, Calvin. Nasaan? Pinanagutan mo? Hindi, ‘di ba? Hinahabol ka. Tinataguan mo. Tinanggap kita (nu’ng) December, nagmamakaawa ka. Sabi mo, magbabago ka na, tinanggap kita, pero ano’ng ginawa mo? Gusto mo pa rin akong sirain.”
“Calvin, magtutuos tayo. ‘Wag kang sinungaling. Magpakatotoo ka, ‘yun lang ang masasabi ko sa ‘yo,” pagtatapos nito sa IG live.





Comments