top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Hulyo 29, 2019 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 29, 2019 (Lunes): Kinatata­kutan ka dahil sa mga big­laang dating ng mga su­werte mo. Ingatan at paha­lagahan mo ang mga ito nang sa gayun ay hindi ka mapagtawanan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglaan ka ng ilang san­dali para ma­pag-isa at tumahimik. Sa ganito, papasok sa isip mo ang bagong pormula na magpapayaman sa iyo nang husto. Masuwerteng ku­lay-brown.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagmamadali ang ilang ma­­lalaking su­werte na lumapit sa iyo. Itakwil mo ang hindi ma­ga­gandang gawi. Buksan mo ang iyong isipan para sa pagbabago ng iyong pi­nagkakakitaan. Masu­wer­teng kulay-white.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi mala­laki ang mga suwerteng ma­pasasaiyo, pero dahil ang mga ito ay marami at su­nud-sunod, ang iyong ka­li­ga­yahan ay mag-uuma­p­aw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-green.

CANCER (June 21- July 22) - Aalala­yan ka ng la­ngit. Wala itong kapalit at bayad, pero ina­asahang hindi mag­babago ang iyong kabutihang-loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-yellow.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nga­yon at sa ilan pang mga araw, ang pag­da­ting ng maliliit at mala­laking suwerte mo. Para hindi masayang ang mga ito, mas maganda kung ila­lagay mo ito sa negosyo. Masuwerteng kulay-pur­ple.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo ngayon. Sinasabing kapag ma­saya ka, susuwertehin ka! Kaya magsaya ka at huwag mong yakapin ang lung­kot. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwer­teng ku­lay-pink.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito ga­bay, pero ito ay hindi mo mapipigilan. Ikaw ay ma­tutuksong gumastos at sa huli, ayaw mo pala ng mga bagay na pinaggastusan mo. Masuwerteng kulay-beige.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mang­hi­nayang sa ma­wawala sa iyo. Magka­katotoo sa buhay mo ang sinasabing, kapag natal­bu­san ang mga halaman ay mas lalo itong luma­lago at gumaganda. Masu­werteng kulay-blue.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, nakapagtataka ang buhay ng tao tulad ng mangyayari sa iyo ngayon. Tutulu­ngan ka ng mas mababa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-black.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag puno ang la­lagyan, hindi na puwedeng dagdagan pa. Ang ibang bagay na nasa sa iyo na hindi mo na gusto ay ipamigay mo na lang. Sa ganito, papa­sok sa buhay mo ang mga suwerte. Masuwerteng ku­lay-violet.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang gustung-gusto mo. Ma­gu­gulat ka dahil mabilis mo itong makukuha. Ito ang tunay na kahulugan ng po­­si­­ti­bong pamamuhay. Masu­werteng kulay-peach.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon, ma­sasabi mong hindi pala bingi ang langit. Mapasasaiyo ang bagay na noon mo pa gustung-gustong maku­ha. Naantala lang ito at naghintay ng tamang pa­na­hon para dumating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page