Balik-showbiz, naudlot… CLAUDINE, TINAMAD NA NAMAN, BINITAWAN NA NG MANAGER


SAYANG na sayang kung mauudlot na naman ang pagbabalik ni Claudine Barretto sa telebisyon kung hindi pa siya physically and emotionally fit, at hindi pa seryosong harapin ang kanyang career.
Marami pa naman ang naghihintay at excited na muli siyang mapanood na umaarte. Matagal-tagal na rin kasing napahinga sa showbiz si Claudine at marami naman ang gustong tumulong upang siya ay muling makabalik at uminit muli ang kanyang career.
But it seems, hindi pa nga desidido si Claudine sa kanyang pagbabalik-showbiz. Kung ang ibang kabataang artista ay todo-effort at todo-kayod upang magkaroon ng break at mapansin, ang aktres, dedma at ayaw pang kumilos kaya binitawan na siya ng kanyang manager.





Comments