Vape palit sa yosi,‘di ligtas — who
NAGLABAS ng panibagong babala ang World Health Organization (WHO) kaugnay sa paggamit ng vape o e-cigarette.
Ayon sa WHO, dapat gawing regulated ang pagbebenta ng naturang produkto.
Bagama’t mababa ang toxin level ng ilang brand ng vape, ang battery-operated device na ginagamit para rito ay nagdudulot din umano ng panganib sa kalusugan.
Dagdag pa ng WHO, hindi nakatutulong ang vape sa mga gustong umiwas sa paninigarilyo dahil sa taglay na nicotine ng kemikal na ginagamit dito.
“In most countries where they are available, the majority of e-cigarette users continue to use e-cigarettes and cigarettes concurrently, which has little to no beneficial impact on health risk and effects.”
Binanggit din ng grupo na ilang malalaking tobacco companies ang nasa likod ng pagpapakalat ng vape.





Comments