Para always happy at maka-smile ka everyday... karne at keso pampatibay, chewing gum panlaban sa pag

HINDI lamang pagkain ng masusustansiyang ang kailangan natin ngayong nutrition month dahil dapat din nating alagaan ang ating mga ngipin para hindi tayo mahihiyang ngumiti at tumawa kasama ang ating mga kaibigan. He-he-he! Kaya narito ang ilang dental healthy tips para sa mga beshy natin diyan na ayaw gumastos ng mahal:
1. KUMAIN NG KARNE AT KESO. Ang karne at keso ay matatawag na “remineralizing foods”, ang mga ito ay makatutulong para patibayin ang ating mga ngipin at gilagid, kaya make sure na isasama natin ito sa ating meal. Okay?
2. NGUMUYA NANG MAAYOS. ‘Ika nga, huwag bara-bara, ang pagnguya nang maayos kaya hindi lamang makatutulong sa ating mga ngipin kundi maging sa pag-digest ng pagkain sa ating intestines. Gayunman, paraan din ito para ma-stimulate ang laway na nakapagtatanggal ng bakterya sa ating bibig.
3. CHEWING GUM NA MAY XYLITOL. Ito ay dahil ang xylitol ay sweetener na maganda sa mga ngipin, gayundin, epektibo itong panlaban sa cavities. Wow!
4. BAWASAN ANG PAGKAIN NG MAY ACID. Lemon, calamansi, softdrinks, ilan lang ‘yan sa mga pagkain at inumin na may mataas na asido na nakasasama sa ating mga ngipin, lalo na kung direkta itong kakainin nang hindi man lang hinahalo sa ibang pagkain. Tsk!
5. HUWAG MANGGIGIL KAPAG NAGSESEPILYO. Mainam na nagsesepilyo tayo nang 3 beses sa isang araw, pero huwag tayong manggigil, mga besh dahil baka imbes na gumanda ang ating mga ngipin, eh, lalo lang itong masira at mabutas.
Oh, ayan, ngayong alam na natin ang iba pang paraan para mapangalagaan ang ating mga ngipin, make sure na susundin natin ito para dehins tayo mapaggastos sa dentista.
Okidoki?





Comments