Nagkataon, nagkatagpo, Bea… GERALD, PAASA, JULIA, MADALING BUMIGAY!


UNDERDOG si Joshua Garcia sa lumutang na balitang nagkakamabutihan na ngayon sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Kaya, marami ang nakikisimpatya kay Joshua sa pagkabuwag ng kanilang love team at tuluyang paghihiwalay ng landas nila ni Julia.
Alam ng lahat kung gaano minahal ni Joshua si Julia na hindi lang bilang ka-love team. Seryoso siyang na-in love sa dalaga ni Marjorie Barretto. Umasa siyang mas lalalim at magtatagal ang kanilang relasyon, pero hindi ‘yun ang nangyari.
Pumasok sa eksena si Gerald gayung alam ng lahat na GF niya si Bea Alonzo. Pero, nang magipit sa sitwasyon ay idinahilang break na sila bago siya nanligaw kay Julia.
It seems paasa lang si Gerald sa mga babaeng nakakarelasyon at ugali nang maghanap ng mga babaeng madaling ma-fall tulad ni Julia.





Comments