top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kasabay ng pag-inom ng antibiotics... mga pagkaing epektib na panlaban sa UTI

Donna Thea Topacio
Jul 28, 2019
2 min read

MASAKIT na bala­kang, pagod at nilala­mig? Ilan lang ‘yan sa mga sinto­mas ng uri­nary track infection o UTI. Hin­di madaling magka­roon ng UTI da­hil nakakairita talaga ito, lalo na kung ikaw ay nag­tatra­baho o nag-aaral. For sure, maraming re­late riyan kaya para sa mga gusto ng organic na pagga­gamot, narito ang mga pagkaing epek­ti­bong panlaban sa UTI:

1. BLUEBERRY. Ang blueberry ay mayroong antioxidant na polyphe­nols. Ayon sa mga eksperto, ang antioxidant na ito ay mainam na panggamot sa UTI dahil nako-convert nito ang dietary compounds para mawala ang bakterya na sanhi ng problema. Ma­­inam itong kainin tu­wing umaga.

2. PROBIOTICS AND FERMENTED FOOD. Ang mga yogurt na may probiotics na kilala rin bilang good bacteria ay nakai-improve ng urinary tract kung saan pino­protek­tahan nito ang vaginal at bladder area para hindi maimpeksiyon.

3. PLANT-BASED PRO­TEIN. Ang mga pag­kaing ma­ya­man sa pro­­tina ay nakasusu­porta rin sa im­mune sys­tem at na­kare-regulate ng blood su­gar kung saan na­babalanse nito ang alat na may­roon tayo sa ka­ta­wan.

4. GARLIC TEA. Ang tsaa na may bawang ay na­katutulong para ma­wala ang pagkabalisa natin sa tuwing tayo ay inaatake ng UTI, kaya imbes na isabit ang bawang sa leeg panta­boy sa mga aswang, gawin na lamang itong tsaa. He-he-he! Okie?

5. CINNAMON. Ang paglalagay ng cinnamon ay kering makapatay ng mga bakterya na nama­malagi sa ating urinary tract kung saan madali nitong matatanggal ang sakit na ating nararam­daman at hindi na natin ka­ilangang mag-anti­biotic pa na may masamang epek­to rin sa kid­ney, lalo na kung ma­dalas natin itong gagawin.

Mahal ang magkasakit, pero may paraan pa rin para tayo ay makatipid.

Ang dapat lang nating ga­win ay mag-re­search dahil sa panahon nga­yon, talo ang wa­lang alam sa teknolo­hiya. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page