top of page
Pokwang.jpg

Kahulugan ng mga patay na isda at malinaw na tubig

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Arlene ng Ar­lene_Garcia@face­book. com

Dear Professor,

Napanaginipan ko sina Mama Mary at Santo Niño, papasok daw sila sa Simbahan at nakatingin sila sa akin.

Pagkatapos, nanagi­nip din ako ng tubig na malinaw at maraming isda, pero, marami akong nakitang patay na isda habang ako ay naglala­kad.

Ano ang ibig sabihin ng mga ito?

Naghihintay,

Arlene

Sa iyo Arlene,

Ang mga taong naka­panaginip ng mga banal na personalidad na kapag kanilang sinuri ang kani­lang buhay ay matutukla­sang kakaiba sa mga pang­karaniwan.

Kapag nilaliman pa nila ang pag-oobserba sa kanilang sarili, may mala­laman silang lihim na ba­gay at ito ay may misyon silang dapat gawin o sun­din.

Kalakip ang dalawang katotohanang ito, sila rin ay minsang nangako na magsisimba o magno­no­bena at dadalaw sa mga Simbahang ang iniaangat ay sina Mama Mary at Santo Niño. Dahil dito, ikaw ay pinapayuhang du­ma­law sa mga Simba­han.

Ang ikalawang payo ay ang tuparin mo ang mga bagay na ipinangako mo sa langit, gayundin, ang misyon mo sa mundo.

Malungkot ka dahil na­kapanaginip ka ng tubig at ang kalungkutan ay ko­nektado sa mahirap na buhay na iyong nara­ra­nasan ngayon.

Ang masayang balita dahil nakapanaginip ka ng maraming isda, ang ma­gandang buhay ay mapa­sasaiyo na.

Ang mga patay na isda kapag napanaginipan, ang nanaginip ay mapapalaban sa mga tukso ng buhay.

Huwag kang matakot dahil ang sabi ng iyong mga panaginip, kapag ka­kampi ng tao ang langit, kahit ang pinakamalakas na tukso ay matatalo niya.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page