Horoscope | Hulyo 28, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 28, 2019 (Linggo): Kakambal mong isinilang ang tapang at lakas ng kalooban. May isa ka pang kakambal at ito ay ang panalo laban sa mga hamon ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Magagawa mo ang anumang gusto mo. Ang mga magtatangkang humadlang sa iyo ay langit mismo ang makasasagupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang paglabas ng iyong tapang. Magugulat ang mga nasa paligid mo dahil ang kinatakutan mo sa nagdaan ay haharapin mo nang matapang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang basta-basta susugod. Magplano ka muna nang sa gayun ay matiyak mo na ang tagumpay ay iyong makukuha. Ang hindi nagpaplano, kadalasan ay napapahiya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.
CANCER (June 21- July 22) - Masosorpresa mo ngayon ang mga karibal mo dahil akala nila ay mananatili kang mahina. Ang hindi nila alam ay iiwanan mo sila nang milya-milya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sobra ang lakas mo ngayon. Sa biglang tingin, ito ay maganda, pero ang tunay na maganda para sa iyo ay kung makokontrol mo ang iyong sarili, lalo na ang iyong emosyon. Masuwerteng kulay-yellow.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pabalikin ang umalis. Siya ay muling babalik sa pagkakataong hindi mo na siya iniisip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling mangyayari sa buhay mo na ang ayaw mo ay mapasasaiyo. Ito ay dahil langit ang higit na may alam kung ano ang makabubuti sa bawat tao. Masuwerteng kulay-pink.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakasasakal ang mahigpit. Ikaw ay pinapayuhang maging maluwag nang sa gayun ay wala kang masaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang iyong buhay. Ang nararanasan mong hirap ngayon ay pansamantala lang, kumbaga, hindi magtatagal ay madarama mo rin ang kaginhawahan. Masuwerteng kulay-blue.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dahil sa iyong kawalang-pagkibo, ang mga tao ay mag-aakalang buo ang iyong loob, kaya iiwas sila na baka ikaw ay kanilang makabangga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babanggain mo ba ang iyong kinaiinisan? Oo dahil kapag napuno na ang lalagyan, maaari na itong umapaw. Ibig sabihin, ilalabas mo na ang iyong kinikimkim na sama ng loob. Masuwerteng kulay-violet.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpunta ka sa malayo, pero kung hindi mo pa ito magagawa, dalasan mo na lang ang paglabas ng bahay. Ito ay para manariwa ang iyong lakas, gayundin, para suwertehin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.




Comments